Presyo ng bangus, tilapia tumaas

Share this information:

Hanggang tatlumpung piso kada kilo ang itinaas sa presyo ng ilang freshwater fish tulad ng tilapia at bangus.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture, mula sa P150 hanggang P220 kada kilo noong Enero 15, umakyat ng P250 ang bawat kilo ng bangus.

Nasa P170 naman ang kada kilo ng tilapia o mas mataas sa P110 hanggang P160 sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay Asis Perez, ang co-convenor ng Tugon Kabuhayan, ang mababang suplay ng isdang dagat ang naging dahilan ng pagtaas ng demand o pangangailangan sa freshwater fish.

“Pagka kasi full moon, during that period of time mababa talaga ‘yung huli ng isda natin na alat. Pababa ‘yung kanilang isda na alat so siyempre ‘yun naman ‘yung pagkakataon ng aquaculture na nabebenta ‘yung produkto nila at wala silang kalaban sa merkado, naturally prices will adjust,” paliwanag ni Perez.

“Closed fishing season ‘yun galunggong natin at wala tayong masyadong suplay ng galunggong kaya ‘yun yung dahilan siguro kaya medyo mataas,” dagdag pa nito.

Nauna na ring ipinahayag ng DA na ginagawan na ng paraan ng gobyerno na maibalik ang presyo ng bangus sa P50 hanggang P70 kada kilo. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.