Presidente ng kooperatiba, binaril sa harap ng simbahan

TODAS ang 52-anyos na Pangulo ng isang kooperatiba makaraang pagbabarilin sa harap ng simbahan sa San Pedro City, Laguna, Linggo ng hapon.

Tinukoy ni Laguna Provincial Police Office Director Colonel Serafin Petalio II ang pagkakakilanlan ng biktimang is Alex Sabolbora Jalandoon ng residente ng nabanggit na lungsod.

Tama ng bala ng baril sa ulo ang agad na ikinamatay ni Jalandoon nang puntiryahin habang nakatayo sa harap ng Jesus the Rock All Ages Christian Church sa Barangay Narra.

Bagamat naisugod pa sa Galic Hospital si Jalandoon, hindi na rin siya umabot ng buhay.

Patuloy nang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek sa krimen na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo gayundin ang motibo ng pagpatay. Pinag-aaralan na rin ang mga kuha ng mga CCTV sa lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.