NAUDLOT ang pagbiyahe ngayong araw ng ilang eroplano patungong ibang mga bansa dahil sa pinaiiral na pinalawig na travel restrictions sa may 21 bansa.
Sa harap ito ng paglutang ng bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kahit ang biyahe sa patungong Maynila mula sa mga bansang hindi sakop ng travel ban ay hindi rin natuloy ang biyahe.
Maging ang ilang cargo flights mula sa mga kalapit na bansa sa Asia at Middle East ay kanselado rin ngayong araw.
Kabilang sa mga sakop ng travel ban ng Pilipinas hanggang Enero 15 ng kasalukuyang taon ay ang:
- United Kingdom
- Denmark
- Ireland
- Japan
- Australia
- Israel
- The Netherlands
- Hong Kong
- Switzerland
- France
- Germany
- Iceland
- Italy
- Lebanon
- Singapore
- Sweden
- South Korea
- South Africa
- Canada
- Spain
- USA
Ang mga Pinoy naman mula sa naturang mga bansa ay papayagan pa rin na pumasok ng Pilipinas. Gayunman, sila ay daraan sa mahigpit na 14 na araw na mandatory quarantine.