Presensya ng mga pulis sa mga business establishments, pinaigting ng Bataan police

Share this information:

MAS pinaigting pa ng Bataan Police Provincial Office (PPO) ang police deployment sa mga convenience stores partikular sa bayan ng Dinalupihan bilang isa sa mga pangunahing hakbang o aksyon ng kapulisan kaugnay ng napabalitang malawakang holdapan sa lugar.

Sa naging panayam kay Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco, kinumpirma nito na kilala na nila ang grupo na responsable sa mga holdapang ito pero tumanggi muna siyang pangalanan ito dahil sa mga isinasagawang follow-up operations.

Nabatid mula kay Velasco na ang naturang grupo ng mga holdaper ay nag-ooperate din sa Bulacan, Pampanga, Olongapo City, bukod pa sa Bataan.

Nitong lamang buwan ng Oktubre ay magkasunod na hinoldap ng grupo ang sangay ng 7-Eleven at Alfa Mart Convenience Stores sa bayan ng Dinalupihan at tumangay ng malaking halaga ng pera at iba pang mahahalagang gamit.

Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya, ayon kay Velasco, sa mga may ari ng mga business establishment na ito kaugnay sa pinaigting na security measures para hindi na maulit ang serye ng mga holdapang ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.