Breaking News

Share this information:

ISANG eksperto ang nagsusulong na gawing basehan ang edad pagdating sa prayoridad sa pagbabakuna.

Ito ang inihayag ni Dr. John Wong ng IATF Sub-Technical Working Group on Data Analytics, kung saan nais nitong maisama sa katergorya sa prayoridad ng pagbabakuna sa mga manggagawa na edad 50 taon pataas.

Ayon sa eksperto, ito ay dahil mas madali tukuyin ang edad ng isang tao kaysa sa kanyang comorbidity.

Tinukoy ni Dr, Wong na 60 porsiyento ng may hypertension ay hindi alam ang kanilang kondisyon.

Una nang sinabi ni Dr. Wong na kakaunti ang mga senior citizen at may comorbidity sa mga nagpapabakuna.

Ito ay sa kabila aniya na 80 percent ng mga namatay sa COVID-19 ay mula sa dalawang kategorya ng prioritization na itinakda ng World Health Organization.

Sa rekomendasyon ni Dr. Wong, ang pagbabakuna sa mga edad 50 taon pataas na manggagawa ay dapat itutok ngayong buwan ng Hunyo at Hulyo.

Gayundin, isama na sa natitirang bahagi ng taon ang iba pang kasama sa A4 list o essential workers base sa paggu-grupo sa kanila sa kada sampung taon hanggang makarating sa mas mababang edad ng mga manggagawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: