Posibilidad ng pagtaas ng Alert Level, nilinaw ng DOH

Share this information:

NILINAW ng Department of Health (DOH) na ang posibilidad ng pagtaas ng Alert Level ay depende sa metrics ng Alert Level System alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF. 

Ayon pa sa DOH, patuloy nilang sinusubaybayan ang lahat ng sukatan na ito. Hangga’t ang mga admission at kalubhaan ng mga kaso sa mga ospital ay hindi nakakaapekto sa kanilang rate ng paggamit ng pangangalagang pangkalusugan, ang Alert Level 1 ay may bisa pa rin.

Ngunit, dapat ding alalahanin na ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ay maaaring humantong sa pagtaas ng alert level.

Together, we can continue to stay at Alert Level 1 by continuing to wear the B-est fitted mask, I-solate when sick, D-ouble up protection through vaccination and boosters, and ensure good A-irflow. All individuals who have yet to be vaccinated should do so as soon as possible, and once eligible – get boosted, as immunity wanes over time,” sabi pa ng DOH.

Ang pahayag ng DOH ay inilabas matapos na magkaroon ng negatibong reaksyon sa social media  kaugnay sa pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam na posibleng i-move ang NCR sa Alert Level 2 upang nakontrol ang spike ng mga kaso ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.