TINITIYAK ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na hindi malulustay ang pondong inilalaan sa panukalang Maharlika Welfare Fund o MWF.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Secretary Pangandaman na may walong measure upang mapangalagaan ang pondong ilalagay ng pamahalaan sa naturang Sovereign Wealth Fund.
Kabilang aniya rito ang pagkakaroon ng transparency index and transparency of investment at ang ethical standards ng Sovereign Wealth Fund Institute kung saan miyembro ang Pilipinas.
Ayon kay Pangandaman, ilalabas ito quarterly upang malaman ang fiscal prudence ng bansa at kung saan napupunta ang pondo.
Samantala, sa naturang forum ay inihayag din kanina ng Budget chief na isasapribado na ang ilang casino operations ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.
Subalit sa ngayon ay hindi pa tiyak ng kalihim kung kailan ipatutupad ang nasabing planong privatization.