Huwag mag-panic sa bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 — DOH

Share this information:

HANGGANG napapamahalaan ang hospital utilization sa bansa, sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi kailangang mag-panic tungkol sa bahagyang pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19 noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Vergeire na ang mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa ay 6 percent na mas mataas kumpara sa nakalipas na linggo na may average na 1,181 bagong kaso kada araw.

Sa National Capital Region (NCR), ang mga kaso ay 15 percent na mas mataas kaysa noong nakaraang linggo, na may average na 460 kaso bawat araw. 

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire  na ang mga admission sa ospital sa lahat ng rehiyon ay nananatiling nasa “low risk classification.”

Wala ho tayong kailangang ipag-panic. Hindi natin kailangan mag-panic. Alam na ho natin that expectedly, cases will be here, cases might increase, maaaring tumaas, bababa…but as long as our hospitals are okay, manageable, walang tumataas na admisyon na kailangang bantayan talaga, walang masyadong severe at critical, hindi ho natin kailangang mag-panic,” sabi ni Vergeire.

Sa kasalukuyan, sinabi nitong binabantayan lamang ng DOH ang rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na mayroong moderate-risk intensive care unit (ICU) utilization dahil sa mas mababang bilang ng mga ICU bed.

Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, pinayuhan din ng opisyal ang publiko na magsagawa ng holiday parties sa open spaces at tiyakin na ang mga attendees ay walang sintomas ng COVID-19.

Hindi bababa sa 73.7 milyong Pilipino ang ganap na ngayong nabakunahan laban sa COVID-19, habang nasa 21 naman milyon ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot, batay sa national COVID-19 vaccination dashboard ng DOH.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.