Police official, biktima ng basag kotse sa QC, mamahaling alahas natangay

ISANG babaeng pulis na opisyal ang nabiktima ng ‘basag-kotse’ at natangayan ng milyong halaga ng mga mamahaling alahas, mga bag, relo at daang libong cash makaraang iparada ang kanyang sasakyan sa isang restaurant sa Cubao, Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Police Major Carolina Ilagan San Pedro, 43, walang asawa, nakatalaga sa Firearm Explosive Office (FEO) sa Camp Crame at residente ng Barangay Bagong Lipunan ng Crame, Cubao, Quezon City.

Natangay sa policewoman ang bag na naglalaman ng mga alahas na nagkakalahaga ng P2,000.000, dalawanng Loui Vuitton shoulder bag na nagkakahalaga ng P200,000, tatlong gucci watch (P300,000), P160,000 cash, mga credit cards at Huawei cellphone na nagkakahalaga ng P8,000,00.

Sa report kay Police Major Jowilouie B Bilaro, hepe ng Cubao Police Station 7, dakong alas-8:45 ng gabi (December 12) ng maganap ang insidente sa parking lot ng Kopi Tism Restaurant sa C. Benitez St., corner Bonny Serrano, Barangay Horshoe.

Ipinarada umano ni San Pedro ang kanyang Puting Toyota Fortuner sa harap ng nasabing restaurant subalit sa kaniyang pagbalik ay basag na ang kanang bintana ng sasakyan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matunton ang miyembro ng ‘Basag Kotse’

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.