Breaking News

Share this information:

NAKADITINE ngayon sa Kamara ang isang heneral at isang colonel ng Philippine National Police (PNP) makaraang ipa-contempt dahil sa umano’y pagsisinungaling sa imbestigasyon hinggil sa ilegal na pag-aresto sa 4 na Chinese nationals.

Tatlumpung araw na detensyon ang ipinataw ng House Committee on Public Order and Safety laban kina Police Brigadier General Roderick D. Mariano at Police Colonel Charlie Cabradilla.

“Let us cite these people in contempt,” diin ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo.

“Obvious na obvious po na nagsisinungaling ka. Obvious na obvious po na pinagtatakpan ka. Obvious po na pinipili ng mga tao mo sa ilalim, ayaw ka ituro,” pahayag ni Tulfo kay Mariano.

Kaakibat nito ay inaprubahan din ng komite ang mosyon na layong palawigin ng 15 araw ang pag-ditine sa anim pang pulis na naunang ipina-contempt sa nakalipas na pagdinig ng komite.

Kabilang sa mga ito ay sina Police Lieutenant Colonel Jolet Guevara, Police Major Jason Quijana, Police Major John Patrick Magsalos, Police Staff Sergeant Roy Pioquinto, Police Staff Sergeant Mark Democrito, at Police Staff Sergeant Danilo Desder.

Kamakailan ay lumutang ang driver/bodyguard ng apat na Tsino para linawin ang kinalaman nito sa umano’y pagdukot. Sa pagsuko ni Michael Novecio, ipinahayag nito na ginamit sya bilang impormante ng mga pulis na nagditine at nagnakaw umano sa mga biktima Chinese noong Setyembre ng nakaraang taon. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.