PNP, magluluwag na sa mga bibiyaheng sasakyan

SA gitna ng pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ), magluluwag na rin ang Philippine National Police (PNP) sa galaw ng mga motorista sa NCR Plus.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, magluluwag sila sa daloy ng mga sasakyan at kargo upang maiwasan na magkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko.

Yung itinuturing nating pagluwag, maaaring hindi na po sila makakaramdam ng, well, katulad ng areas na nag-cause ng mahabang traffic,” ani Usana.

Kasabay nito, sinabi ni Usana na inaatasan ni PNP chief Police General Debold Sinas ang mga tauhan nito na magkaroon ng “flexibility” sa pagtataya ng sitwasyon ng trapiko sa mga checkpoint.

Maging ang mga dumaraan ng expressways ay luluwagan na rin mula sa paglalagay ng mga checkpoint sa bawat toll gate.

Magugunitang naranasan ang mabigat na daloy ng trapiko at mahabang pila ng mga sasakyan sa NCR Plus sa unang araw ng implementasyon ng ECQ nuong Marso 29.

Inobliga kasi ang mga dumaraan ng checkpoint na magpakita ng ID, certificate of employment, business permit at iba pang dokumento na sila ay authorized persons outside residence (APOR) at maituturing na essential ang kanilang biyahe.

Ang mga motoristang hindi maikokonsiderang APOR at walang maipakitang dokumento ay hindi na pinapayagang dumaan sa checkpoint.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.