PNP-Chaplain Service, nakiisa sa Week of Prayer for Christian Unity

KAISA ang Philippine National Police (PNP) – Chaplain Service sa pagsagawa ng “Pitong Araw na Pananalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano” o Week of Prayer for Christian Unity 2023.

Ayon kay PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo, mahalaga ang pagkakaisa ng mga Kristiyano at iba pang pananampalataya.

Ayon kay Ortizo na hindi lamang basta ecumenism kundi pati interfaith ang isinusulong ng PNP-Chaplain Service sa PNP para sa lahat ng denominasyon at relihiyon.

Tiniyak ni General Ortizo na bukas ang ahensya para sa lahat ng mga paniniwala at pananampalataya.

Dagdag pa ni General Msgr. Ortizo, tema ng Week of Prayer for Christian Unity 2023 ang “Do Good. Seek Justice” na layuning pagbuklurin ang pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya tungo sa iisang hangaring maging lingkod ng Panginoon.

Batay sa tala, ginagabayan ng PNP-Chaplain Service ang buhay espiritwal at moral ng may humigit kumulang sa 227,000 kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa buong bansa. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.