Barangay chairman sa Tondo, Maynila, inireklamo ng pananakit ng tauhan ng MMDA

Share this information:

POSIBLENG matanggal sa serbisyo ang isang Punong Barangay sa Tondo matapos itong manakit ng isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang pumalag sa clearing operation Martes ng umaga sa Dagupan St. sa Tondo, Maynila.

Ipinagharap ng reklamong “Direct Assault” ang punong barangay na si Rommel Bravo ng Barangay 51 Zone 4 sa Dagupan Street sa Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) alas 8:43 ng umaga nang magsagawa ng clearing operation ang mga taiuhan ng MMDA sa kahabaan ng Dagupan St.

Nang mamataan ang “carwash” sa tabi ng bangketa ay sinita ito ng MMDA nang biglang sumulpot ang Punong Barangay kung saan tinagiliran ang isang MMDA Metro Aide 1 kaya nagkaroon ng komosyon.

Sa isang Facebook post ni MMDA traffc czar Bong Nebrija, sinabi nito na nasa tabi ng barangay hall ang carwash na nasa bangketa at dito nagca-carwash.

“Kaso sa amin pa nagalit si Chairman at sinukitan pa ng suntok ang isang tropa namin,” ani Nebrija.

Ayon sa MMDA, noong isang linggo ay nagpaabiso na sila na magkakaroon ng clearing operation sa kahabaan ng Dagupan Street sa Tondo kung saan ilang beses na rin isinagawa ang naturang operasyon sa lugar. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.