Plebesito para hatiin ang Palawan, tagumpay – COMELEC

SA kabila ng pandemya, inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na umabot sa 60.97% ang voters turnout sa ginawang plebesito sa Palawan.

Sa ibinahaging datos ni Commissioner Rowena Guanzon, lamang pa rin ang boto ng mga tutol sa mga paghahati sa Palawan.

Ito aniya ay batay na rin sa Palawan provincial board of canvassers hanggang alas 6 ng umaga ngayong araw ng Martes, Marso 16, 2021.

Nasa 172,345 ang bumoto ng ‘No’ habang 122,243 ang bumotong ‘Yes’.

Ayon sa Comelec, ang mga nabilang na boto o na-canvass na ay mula sa 18 mula sa 23 munisipalidad.

Ngayong hapon naman ay muling magko-convene ang PBOC para sa canvassing.

Nauna nang nagdaos ng plebesito ang Comelec para sa panukalang paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya o ang Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.