Pitong pulis Bulacan, kinasuhan ng murder ng DOJ

Share this information:

PITONG pulis na pawang mga miyembro ng San Jose del Monte Bulacan police ay sinampahan ng kaso ng murder ng DOJ sa pagpatay ng anim na biktima.

Samantala, walong iba pang pulis naman ay sinibak sa kanilang trabaho. 

Dahil sa nangyari noong ika-18 ng Pebrero sa taong 2021 ngayon taon, kung saan sa liblib na lugar ng Barangay Gaya-Gaya sa San Jose del Monte City nangyari ang matinding krimen na pagpatay sa anim na biktima mula sa kamay ng pulis. 

Ako mismo ang pumirma ng desisyon na tanggalin sa serbisyo ang mga pulis na ito matapos mapatunayan sa aming imbestigasyon na sila ay nagtanim ng droga at baril para palabasin na ang nangyari sa Bulacan ay isang lehitimong operasyon,” paliwanag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar. 

“Hindi katanggap-tanggap ito at hindi ko kukunsintihin ang mga ganitong uri ng pang-aabuso at kalokohan dahil ang mga katulad nila ang sumisira sa aming kampanya laban sa droga at sa pangalan ng inyong Philippine National Police,” dagdag pa ni Eleazar.

Ayon sa imbestigasyon ng Internal Affairs Service (IAS) ,ang anim na biktima ay nagkataong dumaan sa lugar kung saan nagsasagawa ng anti-illegal drug operation ng mga pulis noong Pebrero 13 ngayong taon at silang anim na biktima ay inaresto. 

Pagkatapos nito sila ay dinala sa istasyon ng pulisya, kung saan sila itinali at kinulong, ngunit hindi sila ni-record para sa anumang pagkakasala.

Makalipas ang ilang araw, ang anim na magkakaibigan na biktima ay di-umano dinala sa liblib na lugar sa Barangay Gaya-Gaya sa San Jose del Monte City sa magkakahiwalay na mga araw, kung saan sila binaril hanggang mamatay. 

Matapos nito, tinaniman ang mga biktima ng ilegal na droga at baril upang palabasin sa pangyayari na ang mga biktima ay “Drug Personalities” at namatay sa “anti-illegal drugs operations” na isinagawa ng pulisya. 

Sa resulta ng imbistigasyon, ini-rekomenda na makasuhan sila Police Staff Sergeants Benjie Enconado at Irwin Joy Yuson; Police Corporals Marlon Martus, Edmund Catubay Jr., Harvy Albino, at Herbert Hernandez; at Patrolman Rusco Madla ng six counts of murder at six counts of arbitrary detention. 

Ganunpaman, hindi kinasuhan ng DOJ ang pitong PNP personnel na sila Police Major Leo dela Rosa, Police Staff Sergeant Jayson Legaspi, Police Corporals Jay Marc Leoncio, Constante Escalante Jr., Raymond Bayan, Paul Malgapo, and Randy Camitoc, pati din si Patrolman Erwin Sabido, dahil sa kakulangan ng ebidensya. 

Ngunit lahat sila ay pinatawan ng grave offense dahil sa nangyari, sa paglabag sa Section 29, RA 9165 (Planting of illegal drugs) and Section 38, RA 10591 (Planting of firearms). 

Silang lahat ay napag alamang guilty at inirekomeda na paalisin sa trabaho. 

Ang chief of police of San Jose del Monte City, Police Lt. Col. Gil Domingo ay pinatawan ng anim na buwang suspension para sa kanyang kapabayaan. 

Ang rekomendasyon ng IAS ay sinuri ng kagawaran ng Law and Order Division of the Directorate for Personnel Records and Management bago aprubahan ng PNP Chief. 

Nilagdaan ni PGen Eleazar ang desisyon na tanggalin ang lahat ng 15 pulis noong Hunyo. 

Sinabi ni PGen Eleazar “Gaya ng lagi nating sinasabi, umiiral ang sistema ng hustisya sa ating bansa at ang rekomendasyon ng Department of Justice na sampahan ng kasong murder ang pitong pulis sa pagkamatay ng anim na katao sa Bulacan, kabilang ang aming desisyon na tanggalin silang lahat sa serbisyo, ay isa na namang patunay dito.” 

Hindi kailanman kinunsinti ng inyong PNP ang mga kaso ng pang-aabuso sa kapangyarihan sa aming hanay at kasama namin ang DOJ sa paghahanap ng katotohanan at pagbibigay ng hustisya sa ating mga kababayan.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.