Pinakamalaking tindahan ng Kadiwa sa Pilipinas itatatag sa Parañaque City

PINAKAMALAKING tindahan ng Kadiwa sa Pilipinas nakatakdang itayo ng Parañaque City government na magiging tahanan din ng libu-libong vendor malapit sa Redemptorist Church sa Baclaran.

Inihayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na itatayo sa tabi ng Redemptprist station ng Light Rail Transit Line 1 sa 10,000-square- meter Baclaran ang Gateway Market.

May dalawang layunin ang merkado. Ang una ay ang pag-host ng hanggang 3,000 vendors na nanganganib na magbayad ng multa sa ilegal na pag-okupa sa mga bangketa sa Baclaran.

Ayon sa alkalde, ang mga bangketa ay inilaan para sa mga pedestrian at parokyano ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help na karamihan ay mamanata sa Mahal na Birhen.

Sabi pa ng alkalde, ang ginagawa nila ay simpleng pagpapanatili ng kontrol sa kaayusan, at hindi maaalis ang kanilang kabuhayan dahil libu-libo ang umaasa dito.

Dagdag pa ng alkalde, ang ikalawang layunin ay gawing available ang murang ani sa 16 na barangay ng lungsod at maasahan na ang lokasyon ng merkado ay mapupuntahan upang maakit ang mga bisita na mamumuhunan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.