Breaking News

Share this information:

PINAKAMARAMI o karaniwan nang natutukoy ang Beta variant ng COVID-19 sa mga sample specimen ng pasyenteng tinamaan ng virus infection na isinailalim sa genome sequencing.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, batay sa isinagawang biosurveillance ay nasa 21.1 percent ng lahat ng specimen na nasuri ay mayruong Beta variant o B.1.351 na unang na-detect sa South Africa nuong Mayo ng nakaraang taon.

Tinukoy ni Duque na sa pinakahuling ulat ng Philippine Genome Center, nasa 1,386 na kaso ang Beta variant, sumunod sa pinakamarami ang Alpha variant na mayruong 1,217 cases, labing-syam naman ang Delta variant at dalawa ang Gamma variant o P.1.

Ang mga nabanggit na variant ay itinuturing ng World Health Organization na variants of concern na ang ibig sabihin ay nakapagpapabilis ng hawaan ng COVID-19 at maaaring magdulot ng malalang sakit.

Samantala, mayruon namang 166 kaso ng Theta variant o ang P.3 ngunit itinuturing pa lamang itong variant of interest.

Aminado naman si Duque na hindi malayong magdulot ng panibagong wave ng impeksyon ang mga nasabing variant sa gitna na rin ng pagdami ng populasyon na lumalabas ng bahay at bumibiyahe ngayon at sa hindi pagsunod o nakakalimot sa minimum public health standards.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: