BAHAGYANG nasugatan ang drayber at pahinante ng 10-wheeler truck makaraang mawalan umano ng preno at sumalpok sa harap ng bus terminal sa Barangay Turbina, Calamba City sa Laguna, Huwebes ng tanghali.
Nadamay din sa aksidente ang isang AUV ngunit wala namang nasaktan sa mga sakay nito.
Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa national highway ng Barangay Turbina ngunit sinisikap na ng Public Order and Safety Office (POSO) sa pangunguna ng hepe nitong si Jeffrey Rodriguez na maisaayos ang buhol buhol na trapiko.
Pinaiiwas naman ang mga motorista sa nasabing lugar upang hindi maabala.