Breaking News

Share this information:

Huli sa aktong kinagarhan ng mga construction materials para sa ipinagagawang bahay ang isang sasakyan ng gobyernong dapat sana’y nakalaan para maghatid ng mga pasyente sa tuwing may emergency.

Ayon kay Vic Badaguas, hepe ng municipal general services office, agad na kinansela ni Taytay Mayor Joric Gacula ang Property Acknowledgement Receipt na iginawad sa Purok Samagta sa Barangay San Juan bunsod ng paglabag sa alintuntunin hinggil sa wastong paggamit ng mga government vehicle. 

Ayon kay Gacula, humirit ng isang traysikel ang Sitio Samagta upang gamitin bilang ambulansiyang pagsasakyan ng mga emergency cases sa nasabing purok. Wala ding maipakitang lisensya ang inabutang nagmamaneho nito.

Una nang sinuspinde ng alkalde ang isang kawani ng munisipyo kamakailan dahil sa pag-abuso. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: