Breaking News

Share this information:

SA labis na depresyon ang dahilan sa pagpapakamatay ng isang 25 anyos na police trainee sa bayan ng Rosario, Cavite Linggo ng umaga.

Sinubukan pang isalba sa Divine Grace Hospital ang buhay ng biktimang si Justine Orpilla subalit dead on arrival na ito.

Base sa imbestigasyon ni Police Corporal Ricardo Mendoza ng Rosario Municipal Police Station (RMPS), dakong alas-6:30 ng umaga ng Linggo nang magpakamatay ang biktima gamit ang service firearm na pag-aari ng kanyang Field Trainee Officer na si Police Chief Master Sgt. Erwin Yazar sa rooftop ng kanilang boarding house sa Sampaguita Street, Cuevas Subd., Bgry Tejeros  Convention.

Bago ang insidente, nagsasagawa umano ng pagsasanay (calisthenics) sa ilang police trainee sa lugar nang makarinig sila ng putok ng baril sa rootop ng kanilang boarding house.
 
Inakyat ng kanilang opsiyal ang pinanggalingan ng putok kung saan napansin na puwersahang binuksan ng biktima ang door knob ng pintuan at bumulaga sa kanya ang biktima na nakabulagta sa sahig, duguan at may tama ng bala sa ulo.
 
Sinasabing ang biktima, na tubong Pangasinan at trainee sa PNP Maritime Group ay may pinagdadaanang matinding problema at depresyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: