Philippine Red Cross, nakiisa sa World First Aid Day 2022 celebration

Share this information:

BINIGYANG-diin ng Philippine Red Cross (PRC) ang kahalagahan ng pagsasanay ng first aid sa napipintong pakikiisa nito sa pagdiriwang ng World First Aid Day na gaganapin sa Setyembre 12, at may temang “Lifelong First Aid.”

Ipinagdiriwang ng mundo ang World First Aid Day tuwing ikalawang Sabado ng Setyembre.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, umaasam sila na magkaroon ng isang miyembro sa bawat pamilyang Pilipino na may alam sa first aid, kabilang ang Cardio-Pulmonary Resuscitation o CPR.

Kapag may training ka sa first aid, may lakas ng loob ka rumesponde kapag may emergency, na maaaring mangyari sa mga oras na kasama mo ang iyong pamilya, mga kaibigan, o mga ka-opisina,” sabi Gordon.

Ang PRC Safety Services Team ay nagsanay ng mahigit 58,000 indibidwal sa first aid mula Enero 1, 2022 hanggang Setyembre 26, 2022 sa 102 mga sangay nito.

Nagbibigay ito ng mga sumusunod na kurso sa pagsasanay sa first aid: (1) Standard First Aid Training at Basic Life Support/CPR – AED Training, (2) Occupational First Aid Training at Basic Life Support/CPR – AED Training, at (3) Emergency First Aid Training. Ang mga kumuha ng alinman sa mga kurso ay maaaring mag-renew ng kanilang sertipiko kada dalawang taon.

Sa mga interesado na kumuha ng first aid training course sa PRC, maaaring tumawag sa (02) 8790-2365 / 8790-2366 para sa karagdagang impormasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.