Pedopilyang Amerikano, timbog sa BI sa Maynila

ISANG Amerikano na pedopilya na wanted ng mga awtoridad sa Wisconsin sa Amerika ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pangmomolestiya sa isang bata may dalawang dekada na ang nakakaraan.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Francisco Gomez, 62 anyos, na inaresto ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (BI-FSU) sa Ermita, Maynila.

Ang pag-iisyu ni Tansingco ng mission order laban sa Amerikano ay dahil na rin sa kahilingan ng US authorities sa Manila na mahanap ito.

We will deport him as soon the BI board of commissioners issues the order for his summary deportation after which he will be blacklisted and banned from re-entering the country,” ayon kay Tansingco.

Dagdag pa nito na si Gomez ay banta na rin para sa mga Pilipino.

Ayon naman kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, si Gomez ay wanted sa korte sa Milwaukee, Wisconsin na siyang nag-isyu ng warrant para sa kanyang pag-aresto matapos siyang kasuhan ng sexual assault sa isang bata.

Gayunman, tumakas siya sa US at noong Oktubre 6, 2006 ay dumating siya sa Pilipinas at tumira na dito.

Ayon kay Sy, si Gomez ay isang undocumented alien dahil sa pagkansela ng kanyang US passport ng State Department ng Amerika.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.