NAGSAGAWA ng “Pabasa” ang Quezon City Jail Male Dormitory na pinangunahan ng 416 PDL mula sa
Iba’t-ibang pangkat kung saan ang bawat grupo ng pdl ay hinati sa 16 na grupo upang manguna sa Pabasa.
Ang bawat grupo ng pdl na binubuo ng humigit kumulang 20 katao ay Nakatoka na magsagawa ng Pabasa na tatagal ng 1 oras, at magsasalit salitan hanggang matapos ang Pasyon.
Sinimulan ang Pabasa nuong Miyerkules Santo at inaasahang magtatapos bago sumapit ang Biyernes Santo.
Ayon kay Warden JSUPT MICHELLE NG BONTO, isinasagawa ang Pabasa ng Pasyon para sa mga Kristiyanong PDL bilang paggunita sa buhay ni Hesukristo, ang pasyon, kamatayan at muling pagkabuhay nito.
Layon din ng aktibidad na magbigay ng kalinga na pang ispiritwal upang makatulong na makapagbigay ng positibong pananaw at pag-asa sa bawat PDL at mapagtibay ang kanilang pananampalataya sa pagsubok na pinagdadaanan ng bawat isa, lalo na ngayong panahon ng Semana Santa.
Nais ding ipaabot ni Bonto sa pamilya ng mga PDL ang malasakit at kalinga na isinasagawa ng QC Jail sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa piitan sa kabila ng ipinatutupad na jail lockdown dahil sa Covid19.
Ilan pa sa mga aktibidad na inihanda ng pamunuan ng Quezon City Jail ngayong Semana Santa na lalahukan ng mga PDL ay ang tradisyunal na Holy Mass at Washing of the Feet, Station of the Cross at Veneration of the Cross at Easter Sunday of the Lord’s Ressurection.