PCG, nag-deploy ng 2 barko upang siguruhin ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pinoy sa WPS

IPINAG-UTOS na ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang agarang pag-deploy ng dalawang maritime asset nito upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Ang layon ng pag-deploy ng dalawang barko, base sa utos ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ay upang makapangisda ang mga kababayan natin nang malaya sa Rozul Reef sa West Philippine Sea na sakop ng teritoryo ng Pilipinas. 

Tumaas ang kumpiyansa ng mga mangingisdang Pinoy na magtungo sa WPS sa kabila ng patuloy na pangha-harass ng China sa karagatan ng Pilipinas.

Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na tiwala ang mga mangingisda sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na walang anumang isusukong teritoryo sa ibang bansa.

Sinabi ni Tarriela na may ulat na naman ng panibagong pangha-harass ang ginawa ng Chinese Coast Guard (CCG).

Ayon kay Tarriela, Nobyembre 28 nang makatanggap ang PCG ng video footage at larawan ng harassment na ginawa ng People’s Liberation Army helicopter sa Rozul Reef.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.