Korean at Chinese national na sangkot sa swindling at kidnapping, timbog sa Angeles City

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang foreign national na sangkot sa magkahiwalay na krimen, kabilang ang isang overstaying alien, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, naaresto ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit (FSU) ang isang Korean swindler na si Park Chang Suk, 41 anyos, at kanyang kasabwat na si Lee Yunwoo, 39 anyos, sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, bitbit ang isang Mission Order na hiniling ng gobyerno ng Korea.

Nakatakda nang pabalikin sa kanilang bansa ang dalawa, dagdag pa ng BI.

Si Park ay wanted sa kanilang bansa dahil sa large-scale fraud, samantalang si Lee, na isang overstaying alien, ay itinuro ni Park na isa sa kumupkop sa kanya sa kabila ng pagiging wanted nito sa batas.

Ayon sa BI Interpol Unit, si Park ay nasa Blue Notice na inilabas ng Seoul Interpol matapos makasuhan ng fraud sa Suwon district court sa Korea. 

Samantala, isang babaeng Chinese naman na wanted sa kidnapping ang arestado sa Makati City.

Inilabas ng Public Security Bureau ng Jinjang City China ang warrant kay Yu Yue ,36 anyos, noong Hunyo 14.

Kasalukuyang nakadetine sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang tatlong dayuhan habang hinihintay ang kanilang deportation proceedings.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.