Pasok na sa weigh-in: Pacquiao vs. Ugas fight, wala ng atrasan

TULUY na tuloy na ang paghaharap nina 8-Division champion Manny Pacquiao at Olympic Bronze Medalist at WBA World Welterweight Champion Yordenis Ugas sa the T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA bukas ng umaga (oras sa Pilipinas).       

Sa weigh-in ng dalawang boksingero sa MGM Grand Hotel kanina, tumimbang si Pacquiao ng 146 pounds habang si Ugas ay 147 pounds.

Nangako ng magandang laban ang pambansang kamao at sakali aniyang ito na ang kanyang huling laban sa ring, nais niyang bigyan ang kanyang fans ng maganda at maaksiyong laban at muling maisuot ang world title belt.

Samantala, bukod kay Pacquiao, lalaban din ang pinoy boxer na si Mark Magsayo sa Mexican boxer na si Julio Ceja sa undercard divison ng Pacquiao vs Ugas fight.

Para kay Magsayo, ang laban na ito ay katuparan ng kanyang pangarap dahil matagal na niyang gusto na mag-undercard sa Pacquaio at kumpiyansa siyang mana-knockout niya ang mehikano.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.