“Party-party” ni Cong. Frasco sa Camotes Island, pinaiimbestigahan na rin ng PNP

Share this information:

INI-UTOS na mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang Cebu Provincial Police Office (CPPO) na imbestigahan ang nangyaring beach party sa Camotes Island na pinasimunuan mismo ng kanilang kongresistang si Vincent Franco “Duke” Frasco ng ikalimang Distrito.

Ayon kay Eleazar, susunod sila sa direktiba ni DILG Secretary Eduardo Año na imbestigahan ang naturang pagtitipon kung may nalabag sa pinaiiral na quarantine protocols in Inter-Agency Task Force (IATF).

Itinuturing na mass gathering at super spreader event ang party na inorganisa ni Frasco sa lugar nitong July 10, 2021.

Dagdag pa ni Eleazar, mangangalap ng ebidensya ang mga local police sa lugar at makikipag ugnayan sa LGU tungkol sa insidente.

Base  sa uploaded video ng naturang beach party, ipinapakita na tila binabalewala lamang ng mga dumalo ang minimum public health safety standards at quarantine protocols.

Paalala ni  Eleazar sa publiko, may umiiral pa ring COVID-19 pandemic kaya dapat mahigpit pa ring sundin ang mga minimum health standards at ipinagbabawal ang mass gatherings o iba pang potensyal na okasyon para potensyal na super spreader events.

Hinihikayat ng chief PNP ang publiko na ipagpatuloy lang ang pag-uulat sa mga awtoridad hinggil sa mga paglabag sa minimum public health safety standards at quarantine protocols.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.