NASABAT ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Air Force (PAF) at ng Criminal Investigation and Detection Group-City Field Unit (CIDG-CFU) ng Quezon City ang nasa P4.2 Million halaga ng COVID 19 test kits na iligal na ibinebenta sa Pasig City nitong araw ng Martes (August 17, 2021).
Nasa kabuoang 21,000 piraso ng test kits na Konsung brand ang nakumpiska mula sa apat na suspek na naaktuhang ibinebenta ng ilegal.
Dinala ang mga suspek sa QCFDU- CIDG at nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9711 o Prohibition of Online Selling of FDA Certified COVID-19 Antibody Test Kits.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang mga nadakip dahil sa patuloy ang ikinakasang follow up operation laban sa iba pa nilang kasamahan.
Batay sa impormasyon, mula sa isang “tip” ng isang indibidwal kaugnay sa modus ng mga suspek kung saan idinadaan sa social media ang pagbebenta ng hindi dokumentadong mga test kits.

