Panukalang Bayanihan Law 3, lusot sa komite sa Kamara

Share this information:

APRUBADO na sa tatlong komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan Law 3 na nagtatakda ng P405.6 bilyong pondo para makatulong na makabawi ang bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Una nang pinagtibay ng House Committee on Economic Affairs at Social Services ang panukala nuong Abril 30 bago inaprubahan din kahapon ng Ways and Means committee ang tax provisions nito.

Sinabi ni Marikina City Representative Stella Quimbo na masasakop ng Bayanihan 3 ang pagtulong sa lahat ng mga Pilipino.

“Approved na sa Committee on Economic Affairs and Committee on Social Services last Friday. Total is P405.6 billion including two rounds of ayuda of 1,000 per Filipino,” pahayag ni Quimbo.

Gayunman, kailangan pang matalakay at mapa-aprubahan sa Committee on Appropriations ang pagpondo sa panukala.

Ipinaliwanag ni Quimbo na sa ilalim ng Bayanihan 3, mayruong dalawang round ng ayuda sa lahat ng Pilipino, kahit ano pa ang kanilang estado sa buhay.

“There are different kinds of ayuda, the most basic kind is the ‘sana all’ ayuda, which is P1,000 per head. We’ll be doing this in two tranches so tranche one is a total of P108 billion and then after three months, the second tranche, another P108 billion…” ani Quimbo.

Gayunman, pinapayagan din sa panukala na mag-waive o tanggihan ng mga Pilipino ang ayuda.

“Ibig sabihin kung taga Forbes Park ka naman diba, alam mo naman, nako baka puwede ko naman i-waive ‘yan, puwede naman,” dagdag nito.

May hiwalay din aniyang assistance para sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic sa sektor ng agrikultura at fishery, wage subsidies para sa mga maliliit na negosyo, guro, at OFWs.

“Tinanong namin ‘yan paulit-ulit sa DOH and IATF kung kailangan pa ng extra funds. They said, ‘no, fully covered na ‘yun,’ So hindi na namin nilagyan ng dagdag na budget for vaccines,” pagtitiyak pa ni Quimbo.

Nakatakdang pagdebatihan ang panukala para sa ikalawang pagbasa sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso sa Mayo 17.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

2022 national elections, tuloy – Comelec

Mon May 3 , 2021
WALANG nakikitang dahilan ang Commission on Elections (Comelec) upang maantala ang Presidential elections na itinakda sa Mayo 9, 2022. Tiniyak ni Comelec spokesperson Director James Jimenez na nagsimula na rin ang kanilang countdown at mga paghahanda para sa nalalapit na national elections. “We have started our countdown dahil alam natin […]

Follow Us

%d bloggers like this: