2022 national elections, tuloy – Comelec

Share this information:

WALANG nakikitang dahilan ang Commission on Elections (Comelec) upang maantala ang Presidential elections na itinakda sa Mayo 9, 2022.

Tiniyak ni Comelec spokesperson Director James Jimenez na nagsimula na rin ang kanilang countdown at mga paghahanda para sa nalalapit na national elections.

“We have started our countdown dahil alam natin na matutuloy ang halalan. Walang dahilan para hindi matuloy ang halalan,” pahayag ni Jimenez.

Ito ay sa kabila na isang porsyento pa lamang ng populasyon sa bansa ang nababakunahan kontra COVID-19. Kakailanganin ng 70 porsiyento ng populasyon na mababakunahan bago makamit ang tinatawag na herd immunity.

“We expect that we will hold the elections in the middle of the COVID-19 pandemic, that herd immunity is not yet assured at that point,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Jimenez na madaragdagan ang polling precincts na gagamitin sa halalan sa susunod na taon na mula sa 84,000 na ginamit nuong 2019 elections ay magiging 110,000 para sa 2022 elections dahil sa pagpapatupad ng social distancing.

Maaari rin aniyang palawigin ang absentee voting o ang pagboto ng mga indibidwal bago ang mismong araw ng eleksyon.

“Ang namumuro ngayon ay ang pag-expand ng absentee voting. This is a privilege given to government employees who perform election day service and to the members of the media, but we are looking at expanding it to vulnerable sectors such as those persons with disabilities and senior citizens,” pahayag ni Jimenez.

“That way, we will be able to decongest the polling places and the task will be manageable,” dagdag nito.

Gayunman, sinabi ni Jimenez na hindi opsyon ng Comelec sa ngayon ang mail-in voting dahil hindi pa matatawag na modernisado ang postal system sa bansa.

“Postal voting for overseas absentee voting has long been in place because it uses the postal system of the host country. But here, the modernization of our postal system is still in midway and we don’t see it done in time for the 2022 elections,” paliwanag nito.

Batay sa tala ng Comelec, aabot sa 61 milyon ang rehistradong botante para sa 2022 elections ngunit maaaring kasama pa sa listahan ang mga pumanaw na dahil sa COVID-19.

“It used to be the role of the Office of the Civil Registrar to inform Comelec of these deaths, but I imagine they are also overwhelmed amid the pandemic that is why I am calling on the public to join our efforts in cleaning the voters’ list,” apela ni Jimenez.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

China, pinalalayas sa karagatang sakop ng Pilipinas

Mon May 3 , 2021
HINDI na napigil pa ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na pagsabihan ang China na lumayas na sa karagatang sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea. “China, my friend, how politely can I put it? Let me see… O…GET THE FUCK OUT. What are you doing to our friendship? You. […]

Follow Us

%d bloggers like this: