Pangulong Duterte, sang-ayon na ipatigil na ang paggamit ng face shield – Domagoso

PATUNAY lamang umanong nakikinig ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga “minimum wage worker” dahi sinang-ayunan nito ang  mungkahi ni Manila Mayor Francisco Domagoso na ipatigil na ang pagsusuot ng face shield sa labas at sa halip ay sa loob ng ospital na lamang ito gamitin .

Ayon kay Domagoso, dagdag gastos lamang ang face shield sa mga ordinaryong mga tao .

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde sa isinagawang  “Symbolic Vaccination of Seafarers” sa Palacio De Maynila sa Roxas Boulevard ngayong araw.

Sa pamamagitan ng Department of Health, nqglaan ang Manila LGU ng  mahigit 1,200 doses ng Pfizer vaccine na galing sa Covax Facility para sa mga Pilipinong marino para sa kanilang unang dose.

Sinabi ni Domagoso na magtutuloy ang bakunahan sa mga marino hangga’t mayroong suplay ng bakuna na nakalaan para sa kanila.

Kasama ni Domagoso sa nasabing symbolic vaccination sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Sec. Harry Roque, Sen. Joel Villanueva, NTF Against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez, NTF Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon, Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Cacdac at ang kinatawan ng Magsaysay Maritime Corporation.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.