Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na mahigpit na ipinagbabawal ang panghihingi ng cash donations ng mga guro upang maipambili ng mga gamit na gagamitin sa distance learning.
Sinabi ni Usec. Tonisito Umali, hindi pinapayagan ang mga cash donations at nagbabala sa mga guro na itigil na ang panghihingi ng donasyon.
“As early as 2003, noong unang ni-launch ang Brigada Eskwela, sinabi na po natin na NO cash will be collected, ayaw po natin yan. We only accept in kind donation.”, dagdag pa ng opisyal.
Nabatid na base sa survey ay mas maraming estudyante ang nais ng modular learning.
Gayunman, reklamo ng ilang guro, kapos sila sa mga materyales para ipatupad ang modular learning kaya napilitan silang manghingi ng tulong sa mga magulang ng estudyante.