Panawagan ng magbababoy, tinugunan ni Sec. Dominguez

Share this information:

Tinugunan na ni Department of Finance (DOF) Secretary Sonny Dominguez ang panawagan ng samahan ng mga magbababoy na tututukan ang smuggling ng produktong agrikultural lalo na ang importasyon ng baboy.

Sinabi naman ni Pork Producers Federation of the Philippines VP for Luzon Nicanor Briones, posibleng may pinapaboran ang Department of Agriculture (DA)  dahil sa pagtaas ng volume ng importasyon bukod pa sa pagbaba ng taripa.

Binigyang-diin din ni Briones na dapat palitan na ang nakaupo sa DA ng may malasakit sa magsasaka at  magbababoy.

Kailangan din aniyang silipin ang huling import declaration noong 2020 hanggang sa kasalukuyan at tutukan ang technical smuggling  gayundin ang undervaluation.

Sa pamamagitan nito ay  mahuhuli ang mga importer na nagsasagawa ng undervaluation at misdeclaration.

Kaugnay pa rin sa problema sa suplay at presyo ng karne ng baboy at manok, nakatakda muling  magsagawa ng pork holiday  ang limang palengke sa Maynila sa Biyernes para igiit sa DA na hirap sila sa  itinakdang price ceiling na nagresulta naman ng kanilang pagkalugi.

Plano rin ng samahan ng mga tindera ng karne ng baboy at manok na mangalap o magsagawa ng signature campaign na ihahain sa korte suprema para ipatigil ang umiiral na price ceiling sa karne ng baboy at manok.

Sa ngayon, mainit na tinalakay sa Senate hearing ang problema sa suplay at importasyon ng baboy  kung saan nasabon ng mga senador si DA Secretary William Dar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Miyembro ng sindikato ng ilegal na droga, timbog sa buy-bust

Wed Feb 24 , 2021
Huli sa buy-bust operation ang isang di-umano’y miyembro ng drug group kagabi sa Brgy. Tagapo, Sta. Rosa Laguna. Ang suspek ay nakilalang si Ronnel Gonzales y Lamac alyas Roberto Gonzales “Brutus,” 31 taong gulang, walang trabaho, at naninirahan sa Sitio Jordan 1, Brgy. Macabling, Sta. Rosa City, Laguna. Bandang alas […]

Follow Us

%d bloggers like this: