Miyembro ng sindikato ng ilegal na droga, timbog sa buy-bust

Share this information:

Huli sa buy-bust operation ang isang di-umano’y miyembro ng drug group kagabi sa Brgy. Tagapo, Sta. Rosa Laguna.

Ang suspek ay nakilalang si Ronnel Gonzales y Lamac alyas Roberto Gonzales “Brutus,” 31 taong gulang, walang trabaho, at naninirahan sa Sitio Jordan 1, Brgy. Macabling, Sta. Rosa City, Laguna.

Bandang alas 8:15 ng gabi kahapon nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU) na pinamunuan ni PIU Chief PLt. Col. Arvin Avelino.

Umaktong bibili ng ilegal na droga ang isang pulis sa suspek kapalit ang halagang isang libong pisong marked money.

Narekober ang apat na medium heat sealed transparent sachet  na may white crystalline substance na may bigat na 12 gramo na may halagang P81,600, isang sling bag na kulay blue-green, isang pirasong P1,000 bill at limang tig-P5,000 piso boodle money  na ginamit sa buy-bust  at tatlong pirasong tig-P100 bill.

Ang lahat ng nakumpiska sa suspek ay gagamitin ebidensya laban sa kanya.

Napag-alaman din ng pulisya na kabilang ito sa Ireneo Drug Group kung saan nagbebenta at nagsusupply ng ilegal na droga sa unang distrito ng Laguna at ilang kalap[it na lugar.

Nasa pangangalaga na din ng Santa Rosa City Police Station ang nasabing suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

No electioneering on Sara tarps -- Comelec

Wed Feb 24 , 2021
THE Commission on Elections (Comelec) doesn’t seem to find anything wrong with the thousands of streamers and tarpaulins sprawling in densely populated cities and municipalities in the country. In a television interview, Comelec spokesperson James Jimenez said that paraphernalia urging the President’s daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, to run […]

Follow Us

%d bloggers like this: