Breaking News

Share this information:

INAASAHANG masisilayan na ng publiko ang pamosong Metropolitan Theater (MET) ngayong buwan, ayon sa alkalde ng Maynila.

Ito ang pahiwatig ni Manila Mayor Francisco Domagoso sa ginanap na “unveiling”  sa panandang pangkasaysayan sa pag-alala ng ika-450 Anibersaryo ng Kagitingan sa Bangkusay na ginanap sa Plaza Moriones sa Tondo ngayong araw.

Sinabi ni Domagoso na isa na namang pamana sa Batang Maynila ang muling maibalik at maisaayos, hindi lamang para sa kapakanan ng mga tao ngayon kundi para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“Twenty days from now you will see a very beautiful and historic theater in the city of Manila,” ani Domagoso.

Kasabay ng paggunita sa anibersayo ng Kagitingan sa Bangkusay, nanawagan si Domagoso sa mga Manilenyo na huwag nilang kalimutan ang ginawang sakripisyo ng mga bayani at kanilang ninuno na nagtaya ng sariling buhay makamit lamang ang ipinaglalaban nilang soberanya at masugpo ang nais manakop sa sariling lupa.

Paalala pa ng alkalde, ang  kasaysayan ng Kagitingan ng Bangkusay sa Tondo ay maging takdang aral sa bawat tao at lider sa kasalukuyan na obligasyon natin ngayon bilang mga mamamayan at Pilipino na panatilihin ang kalayaan at soberanya ng higit 7,100 isla sa ating bansa.

Matapos ang maikling programa ay ininspeksyon ni Domagoso ang itinatayong bagong atraksyon sa Plaza Moriones na “water fountain.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: