Breaking News

Share this information:

KINONTRA ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang suhestyon ni Manila Mayor Francisco Domagoso na alisin na ang requirement na pagsusuot ng face shield. 

Ayon kay Duque, hindi pa napapanahon na bawiin ang  kautusan ng pagsusuot ng face shield dahil sa mababang bilang ng mga taong nabakunahan na ng COVID-19 vaccine. 

Aniya, may scientific basis ang pagsusuot ng  face shield, face mask at 1 metro  na distansya  na nagbibigay ng 95 percent protection laban sa COVID-19.

Okay ang mungkahi ni Mayor Isko kung malaki na vaccination coverage natin. Hindi pa pwedeng tanggalin ang face shield policy  for now when our two-dose vaccination coverage is a little over 2 percent due to still inadequate vaccine supply,” ani Duque. 

Nauna rito, umapela si Domagoso sa national government na alisin na ang pagrerequire sa taumbayan na magsuot ng face shield dahil tayo na lamang  ang natatanging bansa na nagrerequire ng face shield bukod sa malaking kabawasan ito sa gastusin. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: