Breaking News

Share this information:

TATLO katao ang patay sa naganap na banggaan sa pagitan ng isang motorsiklo at SUV sa Roman Highway, Brgy. Calaylayan, Abucay, Bataan bago mag-a-alas otso nitong Sabado ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Abucay Police, dead on the spot sina Denmark Magramo, 25 anyos, at Josamae Sarmiento, 23 anyos, habang namatay din kinalaunan sa ospital ang anak nilang tatlong taong gulang lamang na si Jhed Mark Magramo.

Base sa salaysay ng ama ni Denmark na si Mang Randy, galing umano ang mag-asawa sa pinagtatrabahuhang poultry farm at pauwi na sakay ng kanilang motorsiklo.

Bigla umanong tumawid sa naturang highway at natiyempo namang paparating ang isang Toyota Land Cruiser at nasalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Sa lakas ng bangga ay tumilapon ang mga biktima kung saan dead on the spot ang mag asawa at naisugod pa ang bata sa isang ospital subalit binawian din ng buhay. 

Nasa kustodiya na ng Abucay Municipal Police Station (MPS) ang driver ng SUV. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: