200-bed district hospital, itatayo sa Orani, Bataan

Share this information:

ISANG 200-bed district hospital ang nakatakdang itayo sa bayan ng Orani sa lalawigan ng Bataan.

Ang panibagong Orani District Hospital ay inaasam na maitayo sa loob ng 1Bataan Command Center sa Brgy. Doña, Orani, Bataan.

Ang lugar kung saan itatayo ang nasabing ospital ay binisita nitong Sabado, Hulyo 10, ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman. Kasama ni Rep. Roman sa isinagawang inspeksyon sina Bataan Governor Abet Garcia at Orani Mayor Bondjong Pascual.

Bukod sa nabanggit na proyekto, sinabi din ni Rep. Roman na kanilang pinag-usapan ang iba pang mga plano para sa bayan ng Orani at sa buong lalawigan ng Bataan.

Asahan ninyo pong tuloy-tuloy ang aming pagtutulungan upang masiguro ang kapakanan ng bawat taga-Orani at Bataan. Can’t wait to have a 200-bed capacity District Hospital in Orani that would surely make quality healthcare and medical services even more accessible to my kababayan,” pahayag ni Rep. Roman.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.