Breaking News

Share this information:

HINIHINTAY pa rin ng Department of Health (DOH) ang pagsusumite ng Sinovac ng certificate of analysis ng kanilang bakuna kontra COVID-19 na Coronavac kaya’t nakabitin pa ang distribusyon ng pinakahuling suplay na dumating sa bansa.

Aabot sa isang milyong doses ng bakuna ng Sinovac ang dumating nuong nakaraang linggo pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan munang makumpleto ang mga dokumento bago ipamahagi.

Nuong nakaraang buwan, naantala rin ang distribusyon ng mga doses ng Coronavac dahil hindi rin agad naisumite ang certificate of analysis.

Samantala, sinabi ni Vergeire na kasado na ang pagdedeploy ng 2.2 milyong doses ng bakuna ng Pfizer.

Batay aniya sa pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., ang apatnapung porsyento ay dadalhin sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, at Rizal at ang 60-porsyento ay sa mga lugar na may mataas ding mga kaso ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: