Breaking News

Share this information:

HINDI inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagsasailalim sa antibody testing ng mga indibidwal na nabakunahan na upang kumpirmahin kung protektado na nga sila laban sa COVID-19.

Nauna rito, nanawagan ang House Committee on Health sa DOH na mag-isyu ng guidelines laban sa pagsasailalim sa antibody tests dahil ito’y unnecessary expenses lamang anila, nagdudulot ng kalituhan at pag-aalala sa mga taong nagkaroon ng low antibody level matapos ang pagsusuri.

The DOH does not recommend antibody testing to confirm if you are protected against COVID-19 after vaccination,” pahayag naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Paliwanag pa niya, ang negatibong antibody test ay hindi nangangahulugan na hindi epektibo ang COVID-19 vaccine.

Pinayuhan rin niya ang publiko na kumonsulta muna sa kanilang mga doktor bago sumailalim sa anumang diagnostic test dahil ito’y dapat gawin lamang aniya sa ilalim ng professional guidance.

“A negative antibody test does not mean that the COVID-19 vaccine did not work.  We advise the public to consult their doctor before doing any diagnostic test because these should only be performed with professional guidance,” aniya pa.

Binigyang-diin pa ni Vergeire na hindi rin inirerekomenda maging ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagsailalim sa antibody testing matapos na mabakunahan.

Muli rin niyang tiniyak sa publiko na lahat ng bakuna na binigyan ng Food and Drug Administration ng emergency use authorization (EUA) ay sumailalim sa masusing regulatory process upang matiyak ang kaligtasan at bisa nito laban sa COVID-19.

Payo pa niya, kahit fully vaccinated na, dapat pa ring tumalima ang lahat sa ipinatutupad na minimum public health standards (MPHS) ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: