Breaking News

Share this information:

LUMUBOG ang isang landing craft tank dahil sa hagupit ng bagyong Dante habang nasa shoreline sa baybayin ng Albuera, Leyte, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Agad namang nakapag-abandon ship ang crew ng LCT Jacqueline Star bago ito tuluyang lumubog.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, nagsasakay ng cargo at sasakyan ang LCT bago naganap ang insidente.

Sa ngayon, naglagay na umano ng oil spill boom ang mga PCG personnel para sa posibleng pagtagas ng langis sa karagatan.

Samantala, inalis na ang storm signal sa Northern Samar pero hindi pa ibinabalik ang biyahe dahil inoobserbahan pa ang storm signal sa Bicol region kabilang ang Matnog port.

(PHOTO CREDIT: Philippine Coast Guard)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: