DAHIL sa paglaganap ng pandemya, pumayag ang Metro Manila Council (MMC) ang policy making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hintayin na lang muna ang sasabihin ng mga eksperto bago magdesisyon kung papayagan ba ang mga menor de edad na pumasok ng mga malls na kasama ang kanilang mga magulang.
Ito ang naging pahayag ng mga Metro Manila Mayor sa virtual press briefing ngayong araw ni MMDA General Manager Jojo Garcia.
Kailangan hintayin muna ang magiging opinion ng Philippine Pediatric Society’s, kung papayagan ba ang mga menor de edad na lumabas ng bahay at pumunta ng mga shopping mall na kasama ang kanilang magulang.
Aminado si Garcia na kinunsulta na nila si Dr.Joselyn Alonzo Eusebio ang pangulo ng Philippine Pediatric Society ukol sa naturang isyu at nakatakda naman na isumite ngayong maghapon o bukas ang resulta o opinyon ng PPS.
“Once it is submitted, we will call for an emergency meeting with the Metro Manila Mayors. We will discuss and vote on it. For now, persons aged 18-65 are allowed to go out in areas under general community quarantine, except for accessing essential goods and services,” pahayag pa ni Garcia.
Ang Philippine Pediatric Society ay specialty division ng Philippine Medical Association (PMA).
Ang hakbangin ng MMC ay para maiwasang mahawaan ang mga kabataan ng nakamamatay na virus na patuloy na nagiging salot sa mundo.