Pagpapatupad sa single ticketing system sa Metro Manila, inaasahan sa katapusan ng Abril

Share this information:

INAASAHANG maipapatupad na sa katapusan ng Abril ang single-ticketing system sa Metro Manila, ayon kay Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora sa Kapihan sa Manila Bay.

Sinabi ni Zamora na siya ring itinalaga na bagong head ng Regional Peace and Order Council of Metro Manila na suportado ito ng 17 na mayor sa Metro Manila at nakita aniya nito ang kagustuhan nila na maipatupad ito sa kanilang mga termino.

Ayon kay Zamora, sa nakaipas na dalawang linggo ay walo pa lamang sa mga mayors ang handa sa implementasyon ng single ticketing pero maaari aniyang mas marami na ngayon dahil maaaring ang kanilang ordinansa ay hindi pa naamyendahan.

Nagyong Marso 15 ang deadline ng pag-amyenda ng ordinansa ng LGUs sa National Capital Region kaugnay sa sistema at sa Abril 30 ay inaasahan nang maipapatupad upang maging kumbinyente sa mamamayan lalo na sa mga umuuwi ng probinsya na nahuhuli sa Metro Manila.

Ayon kay Zamora, magkakaroon ng dry run ng sistema pagkatapos ng Holy Week.

Ipinaliwanag din nito na maraming opsyon na magagamit pagdating sa single ticketing dahil maaari aniyang magbayad sa pamamagitan ng online banking ticketing platforms, digital online platforms o kaya ay ang tradisyonal na pagbabayad sa city hall.

Pagdating naman sa halaga, mawawala na rin ang kalituhan dahil sa 20 common traffic violations na nadetermina ng technical working group kung saan kasama siya ay inaral na rin isa-isa.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), ang multa sa 20 common violations ay papatak ng P500 hanggang P5,000.

Ipapaptupad din ang ilang special laws tulad ng mga sumusunod;

*Seat Belt Use Act of 1999

*Children’s Safety on Motorcycles Act

*Anti-Distracted Driving Act

*Anti-Drunk and Drugged Driving Act

Layon ng single ticketing system na magtatag ng pare-parehong patakaran sa traffic violations at penalty system sa Metro Manila.

Kabilang rito ang Caloocan, Malabon, Navotas, Quezon City, Pasig, Taguig, Makati, Manila, San Juan, Mandaluyong, Las Pinas, Paranaque, Pasay, Pateros at Muntinlupa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.