TINIYAK ng isang mambabatas na unang-una nilang aaprubahan sa Kongreso ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election.
Sa kanyang muling pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay, muling iginiit ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na mahigit P8 bilyon ang matitipid ng pamahalaan kung ipagpapaliban ang Barangay at SK election na gaganapin dapat sa darating na Disyembre.
Paliwanag ng mambabatas, ang kagandahan ay i-standardized na sa limang taon ang termino sa Barangay dahil napakaikli ng tatlong taon,.
“Five years is good enough because they are the only institution in this country which is part of parliamentary saka ang SK is the only institution where there is anti-dynasty law,” ayon pa kay Salceda.
Ayon kay Salceda, ipupursige nila na maitakda ang Barangay election sa Mayo 5, 2023.
Sinabi ni Salceda na ang pondo ng Barangay kada taon na inilalaan ng gobyerno ay umaabot ng P250 bilyon.
Dagdag pa niya, kung ang isang Barangay official naman ay hindi karapat-dapat na maging lider o mamuno sa kanyang nasasakupan ay kailangan magkakaroon ng isang liberal recall procedure.
‘I think I will try to insert a very liberal recall.”
Ilang mga mambabatas at grupo na rin ang nagsusulong na maipagpaliban ang Barangay at SK elections dahil ang pondong gagamitin ay maaari anilang magamit sa iba pang proyekto at programa lalo na sa pagtugon sa pandemya.
Ang Barangay election at itinakda sa Disyembre 5 ,2022 ng Commission on Elections kung saan tuloy-tuloy pa rin ang kanilang paghahanda.

