Pagkumpiska ng mga lisensya sa lungsod ng Maynila, tuloy pa rin

PATULOY ang gagawing pagkumpiska ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga lisensya o “driver’s license” ng mga traffic violator sa lungsod.

Ang pagkumpiska ng lisensya ng mga traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), ayon kay Atty. Princess  Abante, tagapagsalita at pinuno ng Office of the Mayor Communications Office ay base sa isang ordinansa.

Kaya naman awtorisado silang mangumpiska ng lisensya ng mga traffic violator sa lungsod.

Matatandaan na una nang iniutos ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur abalos na tanging ang Land Transportation Office (LTO) lamang ang may karapatan na mangumpiska ng lisensiya ng mga motorista na may traffic violation.

Ito ay kasunod ng pagpapakalat ng mas maraming local traffic management units sa mga lansangan dahil na rin sa pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.