PINANGUNAHAN ng Pasay City local government unti (LGU) ang National Children Month Celebration bilang bahagi sa pagtataguyod sa kalayaan ng bawat bata sa lungsod.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano sa kanyang State of the City Address SOCA) “sama sama natin protektahan ang kapakanan ng mga kabataan lalo na ngayong panahon ng pandemya,”
Mahalaga umano na maalagaan at mailayo sa anumang uri ng sakit ang mga kabataan at palagian gabayan sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan online learning education.
Dagdag pa ng alkalde, layon ng lungsod Pasay na maproteksyunan ang mga bata sa anumang uri ng pang aabuso at mailayo sa anumang panganib at karahasan.
Samantala nagpakita naman ng kanilang mga talento ang mga batang mag-aaral ng Zamora Elementary School sa pagkanta sa pamamagitan ng virtual singing ng isagawa ang selebrasyon sa loob ng Mall of Asia (MOA) sa Pasay City.