Pagguho ng lupa sa Abucay, Bataan, isa patay

Share this information:

ISA ang iniulat na nasawi sa pagguho ng lupa o “landslide” na naranasan sa bayan ng Abucay, Bataan.

Nabatid mula kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) officer-in-charge Glen Diwa ang pagkakakilanlan ng biktima na si Roselyn dela Cruz, 27-anyos, at residente ng Barangay Gabon.

Sinasabing caretaker ng isang resort ang nasawing residente.

Inihayag naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na nabigyan na ng tulong ang pamilya ng nasawi sa trahedya.

Yung sa Abucay po, very unfortunate. May namatay na isa po doon. Binigyan na po natin ng cash for burial assistance,” ani Tulfo.

Maging ang iba pang mga biktima ng kalamidad ay nakatanggap na rin ng tulong mula sa DSWD upang muling maitayo ang kanilang mga nasirang bahay.

Hindi bababa sa pitong barangay sa bayan ng Abucay at Balanga City ang nakaranas ng pagbaha na hanggang dalawang talampakan ang lalim.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.