Paggasta sa pondo ng Bayanihan 1 at 2, “accounted;” integridad at transparency, nanatili — DOH

Share this information:

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaan sa DOH ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko.

Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang ito ng “breakdown”  kung paano ginasta ang P9-bilyong pondo  para sa konstruksyon ng health infrastructure sa ilalim ng Bayanihan I at II.

Binigyang-diin ng DOH na ang nasabing pondo  ay ginamit para sa konstruksyon ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories, at ang pagpapalawak ng kapasidad ng mga ospital ng gobyerno sa pamamagitan ng pagkuha o pagbili ng iba’t-ibang medical equipment.

Sa P4.4 bilyon na inilaan sa ilalim ng Bayanihan I, P4.36 bilyon ang nagamit hanggang December 31, 2020 para makakuha ng medical equipment tulad ng mechanical ventilators, biological safety cabinets, laminar flow hoods, at biomedical microcentrifuges at iba pang essential medical equipment para sa pagtitiyak na maalagaan ng mga ospital ang mga pasyenteng may COVID-19.

Samantala, ang inilaan naman na P4.5 bilyon sa ilalim ng Bayanihan II, ginamit naman ang P3.88 bilyon hanggang  December 31 ,2020 para sa konstruskyon ng temporary medical isolation at  quarantine facilities, field hospitals, dormitories para sa frontliners at  expansion ng  government capacity sa buong bansa.

Ang natitira namang P617 milyon at P308 milyon ay nagamit  para sa pagkuha ng mga mahahalagang kagamitan na nauugnay sa COVID-19 tulad ng mga mechanical ventilators, portable x-ray machines, hemodialysis machines, high flow nasal cannula oxygen machines, at iba pang kagamitan na kinakailangan para sa pagtaas ng mga testing capacities ng mga laboratoryo.

Sinabi rin ng DOH na magbibigay ito ng buong ulat sa paggasta sa mga tanggapan ng senador na humihiling para sa nasabing datos.

Binigyang-diin ng DOH na ito ay palaging nakatuon na mapanatili ang lubos na integridad at transparency bilang pagtupad ng mandato nito na magtatag at mapanatli ang isang madaling maabot na health system na nagbibigay ng kalidad na mga serbisyong pagkalusugan sa bawat Pilipino.

Idinagdag pa ng DOH na ngayon ay hindi ang oras upang maghiwa-hiwalay sa pagtugon sa pandemyang ito at nanawagan para sa pagkakaisa mula sa iba pang sangay ng gobyerno at publiko habang ang bansa ay nahaharap sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawang linggong MECQ, iminungkahi ng mga eksperto

Fri Apr 9 , 2021
Inirekomenda ng OCTA Research Team na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region at mga karatig lalawigan (NCR Plus) sa loob ng dalawang linggo upang tuluyang mapababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.  Ayon kay Prof. Ranjit Rye, sa ngayon ay higit 1 pa din ang reproduction rate […]

Follow Us

%d bloggers like this: