Dalawang linggong MECQ, iminungkahi ng mga eksperto

Share this information:

Inirekomenda ng OCTA Research Team na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region at mga karatig lalawigan (NCR Plus) sa loob ng dalawang linggo upang tuluyang mapababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19. 

Ayon kay Prof. Ranjit Rye, sa ngayon ay higit 1 pa din ang reproduction rate sa NCR+ na kinabibilangan ng Metro manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal. 

Aniya, bago tuluyang magluwag ng quarantine restriction mula Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay dapat munang ipatupad ang MECQ at kung hindi ay tiyak na sisipa na naman ang mga kaso ng COVID-19.  

Moreover, a continuing concern is that hospital capacity in the region and the bubble remain at critical capacity. We need time to slow this surge down. We cannot open prematurely as this could accelerate the surge,”  ani Rye. 

Bagama’t bumababa na ang reproduction rate sa NCR+  ay hindi pa rin maaring ibalik agad  ito sa GCQ  lalo na at kritikal pa rin ang  mga pagamutan at quarantine facilities. 

Ang NCR +  ay nasa ilalim ng ECQ hanggang Abril 11. 

Nakatakda naman magpulong ang mga opisyal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) upang pag-usapan ang susunod na quarantine classification pagkatapos ng Abril 11. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Palace denies Thursday Cabinet meeting

Fri Apr 9 , 2021
APPALLED by criticisms that tend to claim President Rodrigo Duterte as absent in his own Cabinet meeting, a top Malacañang official said that there isn’t any official Cabinet meeting calendared for Thursday, April 8, 2021. In a statement, presidential spokesperson Harry Roque said that what transpired on Thursday isn’t a […]

Follow Us

%d bloggers like this: