Paggamit ng “social media,” maaaring gamitin ng mga kandidatong kapos sa pondo para mangampanya

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring i-maximize ng mga kandidato sa 2025 mid-term elections na kapos sa pondo ang paggamit ng mga bagong teknolohiya o mga social media platform para makapag-kampanya at makakuha ng mga boto,

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, walang sinumang tumatakbo para sa isang elective position sa darating na botohan ay madi-disqualify dahil sa financial status.

Sinabi ng poll chief, pwede nang mangampanya sa pamamagitan ng social media dahil sa kasalukuyang makabagong teknolohiya na hindi kinakailangan pa ng maraming pondo.

Nauna nang pinasiyahan ng Korte Suprema na hindi sapat na batayan ang pagiging hindi popular at hindi pagiging miyembro sa isang partidong pampulitika para ideklara ang isang indibidwal bilang isang nuisance candidate.

Nangako ang Comelec na reresolbahin ang mga kaso na kinasasangkutan ng mga nuisance candidate para sa 2025 midterm elections sa pagtatapos ng Nobyembre ngayong taon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.